Kasi gusto ko magsulat.

Posted: August 24, 2010 in Uncategorized

“where i go i just dont know. i gotta gotta gotta take it slow. when i find my peace of mind, im gonna give you some of my good time…”

i.
gusto kong magsulat. itype hanggang maubos lahat ng umaaligid-aligid sa bakanteng utak na desperadong mapuno. ng kahit ano maliban sa kawalang-silbi nito. ganito ba talaga? laking tuwa ng matapos sa kolehiyo kung san wala akong natutunan kundi pano tsumempo ng sakto palabas sa kwarto. mag-cut, umexit sa lahat ng sitwasyon na walang katuturan. at walang patutunguhan maliban sa mga notes ng mga kaklase kong tila naka-program tumango sa tsetse-buretse ng mga guro. haaayy. di masusukat ang pag-hallelujah ko nang matapos ako. hanggang ngayon ume-echo pa rin ang kasayahan. pero ba’t ganun? parang sinungkit ng pag-gradweyt ang kung anumang natitira sa kamalayan kong “pambata.” kahit gano ko pa ikundisyon ang sarili ko, di ko na yata kayang manalo sa karera ng diwa’t isipan. mashado nang malayo ang utak ko. di na pwedeng ishut-off o piliting pabagalin ng onti. nahihila na ko. nagpapahila na ko.

ii.
wala nga bang katapusan ang habulan ng malay at isipan? kapwa malaya lumipad sa ereng ninanais abutin. kung nararamdaman ang pagdapo ng kamalayan o ng isipan, gaya ng pagpaparamdam ng puso, eh di hindi maling iassume na ramdam mo nga ko. subali’t di to sapat para mahila ka pabalik. walang sapat. may kulang, may sobra pero walang sapat. kinakailangan maabot ang pinakamataas na kamalayan at isipan upang mapagbuksan ng pinto ang pagkatok ng pusong nakatali sa pangako. mga pangakong tila nakapako sa pagbitaw ng salita. wala sa gawa. o kulang sa gawa?

iii.
di ko na alam. napapanis na ang pag-asa’t panaginip. gusto kong sumulat pero ano naman ang pagsulat kung wala namang bumabasa. ano naman ang kahit ano kung wala lang din. pagod nako. sabihin mo na’t matapos na to.

iv.
walang mali na natatama sa katahimikan. kaya nga may mga gera sandako ka man mapadpad. ang mundo’y nabubuhay sa pagkakamali. kung walang magtutuwid, kung walang makakapansin, walang gulo. nanaisin mo bang manatili sa mundong tahimik pero lugmok naman sa pagkakamali? o sa magulo na may mga nagpapakamatay para lang matama ang kamaliang di naman nila inumpisahan. sandako ka man mapunta, may mga buhay na binubuwis bilang kabayaran sa katahimikang di kailanman maaatim. lahat ng pagbabago’y nagmula sa ingay, sa gulo, sa pagdarak ng dugo, iilang buhay kapalit ng iisang pag-asa. siguro nga’y di ko na aabutan ang inaasam na katahimikan. siguro’y dahil di ko na ito inaasahan. di ko na rin ito ninanais para sa kinabukasan ng mga kabataang iluluwal pa lang sa kabaliwang ito. matatahimik lang ang mundo sa pagkagunaw nito. at ayoko pang mamulat sa ala matrix na katotohanan.

v.
magtatago muna ko. sa lahat ng ayoko malaman. sa lahat ng alam ko. sa lahat ng gusto makaalam. sa lahat ng di kailanman makakaalam. kung walang mawawala, walang maghahanap.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s